Thursday, April 22, 2010

Tubig Ng Buhay


Tubig ng Buhay
Tubig ng buhay paglalakbay patungo sa bagong buhay, O Hesukristo, aming gabay, basbasan Mo ang aming alay.

Bukal ng liwanag; nagbibigay ilaw sa mga bulag. Kami’y lumalapit sa’yong batis upang makakita!

Bukal ng pag-ibig; nagbibigay kulay sa buong daigdig. Kami’y lumalapit sa’yong batis upang magmahal!


Bukal ng pag-asa; nagbibigay buhay sa nagkasala. Kami’y lumalapit sa’yong batis upang mangarap pa!

No comments:

Post a Comment