Thursday, April 22, 2010

Awit Ng Paghilom


AWIT NG PAGHILOM
Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso, Tinig Mo'y isang awit paghilom. Ang baling ng aking diwa ay sa 'Yo, H'wag nawang pababayaang masiphayo. Ikaw ang buntong hininga ng buhay; Dulot Mo'y kapayapaan, pag-ibig.
Ako'y akayin sa daang matuwid. H'wag nawang pahintulutang mabighani. Sa panandalian at huwad na rilag Ikaw ang aking tanging Tagapagligtas.
Sigwa sa 'king kalooban 'Yong masdan. Pahupain ang bugso ng kalungkutan. Yakapin ng buong higpit 'Yong anak Nang mayakap din ang bayan Mong ibig.

No comments:

Post a Comment