Thursday, April 22, 2010

Inay



INAY
Sa mahinahong paalam ng araw Sa pag-ihip ng hanging kahapunan Balabal ko'y init ng 'yong pag-ibig Sa dapit-hapong kay lamig Mga bituin kay agang magsigising Umaandap, mapaglaro man din Iyong ngiti hatid nila sa akin Sa diwa ko't panalangin
Puso ko'y pahimlayin Inay Upang yaring hamog ng gabing tiwasay . Ay madama ko bilang damping halik ng 'yong Anak Ay! Irog kong inay
Sa palad niyo itago aking palad Aking bakas sa inyong bakas ilapat At iuwi sa tahanan kong dapat Sa piling ng inyong Anak

Puso ko'y pahimlayin Inay Upang yaring hamog Ng gabing tiwasay Ay madama ko bilang damping Halik ng 'yong anak Ay! Irog ko, O Ina kong mahal Ay! Irog kong Inay

No comments:

Post a Comment