Thursday, April 22, 2010

Likhain Mong Muli



Likhain Mong Muli
Ilikha mo kami ng ‘sang bagong puso. Hugasan ang kamay na basa ng dugo. Linisin ang diwang sa halay ay puno. Ilikha mo kami ng ‘sang bagong puso.
Itindig mo kami, kaming iyong bansa. Akayin sa landas patungo sa kapwa. Ihatid sa piging na ‘Yong inihanda. Itindig Mo kaming iyong bansa.

Amang Diyos, ‘Yong baguhin ang tao’t daigdig. Sa banal na takot, sambang nanginginig. Ibalik ang puso’t bayang nanlalamig. Likhain mong muli kami sa pag-ibig.

No comments:

Post a Comment