Thursday, April 22, 2010

Inang minamahal


Inang Minamahal
Inang minamahal, si Hesus sa iyo isinilang. Inang sinisinta, ang Diyos sa’yo nagpala. Inang minamahal, kay Hesus kami’y ‘yong ialay. Ilaan sa Kanyang Kaharian, upang Diyos ay maparangalan. Ilaan sa kanyang Kaharian, upang kapwa’y mapaglingkuran.

Inang minamahal, si Hesus aming mananakop. Inang sinisinta ng lahat mong mga anak; nawa’y ilawan mo ang landas naming tatahakin, kaligtasan namin at pag asa, tulong ng iyong panalangin. Sa harap ng aming kamatayan, O Ina kami’y ‘yong aliwain

Inang minamahal, kalingain kami’t turuan; na matularan ka, sa iyong laging paglingap. Buksan aming kamay sa ‘ming kapwang baon sa hirap: sa kanyang kalayaan ay buhay, maialay ang pagsisikap. At higit kung ito’y kailangan, katawa’t buhay man itaya.

No comments:

Post a Comment